--Ads--

Mahigit 20 Chinese vessels ang namataan ng Philippine Coast Guard sa karagatang sakop ng Pag-asa Island, Palawan.

Kabilang sa mga barko ang mula sa Chinese Maritime Militia at Chinese Coast Guard na namataan sa paligid ng isla. Ayon sa PCG, mas marami pa ang mga barko ngunit may ilan nang umalis sa lugar.

Samantala, iniulat ng Armed Forces of the Philippines na 101 Chinese Coast Guard at PLA Navy vessels ang namonitor sa West Philippine Sea.

Kabilang ang Pag-asa Island sa mga lugar na madalas mamataan ang mga barkong Tsino, kasama ang Escoda Shoal at Bajo de Masinloc.

--Ads--

Hinarangan umano ng Chinese Coast Guard ang mga tauhan ng Pilipinas na tutugon sana sa isang Chinese fishing vessel na nagsasagawa ng ilegal na dynamite fishing malapit sa Sandy Cay.

Samantala, pinangunahan ni PCG Commandant Admiral Ronnie Gil Gavan ang activation ng Coast Guard Auxiliary District sa Kalayaan Island District, bilang bahagi ng pagbabantay sa teritoryo ng bansa.