--Ads--

pormal na idineklarang Drug-Free Workplace ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)–Isabela ang Cabatuan Police Station sa pamumuno ni PMAJ Romeo P. Mabea, Hepe ng Cabatuan Police Station, katuwang ang Lokal na Pamahalaan ng Cabatuan, Isabela.

Isinagawa ang opisyal na deklarasyon noong Pebrero 9, 2026, sa Barangay Centro, Cabatuan, Isabela.

Sa pagbubukas ng programa, binigyang diin ni PMAJ Mabea ang kahalagahan ng kooperasyon ng iba’t ibang sektor upang mapanatili ang isang drug-free na lugar ng trabaho.

Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni PDEA Regional Director Castro na ang ganitong inisyatiba ay mahalagang salik sa pagpapanatili ng kaayusan at pangmatagalang kaunlaran ng bayan.

--Ads--

Bilang patunay, isinagawa ang Ceremonial Unveiling of Drug-Free Workplace Signage at ipinagkaloob sa himpilan ang sertipiko ng pagkilala bilang patunay ng pagiging ligtas at malinis sa droga.

Layunin ng aktibidad na ipatupad ang mga probisyon ng Dangerous Drugs Board (DDB) Regulation No. 4, Series of 2021, na nagtataguyod ng pagpapatuloy ng Barangay Drug Clearing Program (BDCP).