--Ads--
Naglabas ng panibagong warrant of arrest laban sa negosyanteng si Charlie “Atong” Ang at limang iba pa ang San Pablo Regional Trial Court sa Laguna.
Kasama sa inisyuhan ng warrant sina Ryan Jay Orapa, Alfredo Uy Andes, Philip Almedilla, Joey Encarnacion, at Aaron Ezrah Cabillan.
Ang warrant of arrest na mula sa RTC Branch 29 ay inilabas ni Judge Luvina Roque kaugnay sa kasong kidnapping with serious illegal detention na may kaugnayan sa kaso ng mga nawawalang sabungero.
Wala namang inirekomendang piyansa para sa naturang mga kaso.
--Ads--
Patuloy pa ring pinaghahanap ng mga awtoridad si Ang kung saan mayroon na itong patong sa ulo na ₱10 milyon.








