Sasabak si Tallulah Proulx sa women’s slalom ngayong Miyerkules bilang huling kinatawan ng Pilipinas sa Winter Olympics matapos hindi makapasok si Francis Ceccarelli sa kanyang event na men’s slalom.
Ang 17-anyos na si Proulx ang kauna-unahang Filipina na nakapasok sa Winter Olympics, at babalik sa competition area sa Cortina matapos itala sa ika-52 puwesto sa giant slalom noong Linggo.
Samantala, bumagsak si Ceccarelli sa kalagitnaan ng karera dahil sa sobrang lamig at hirap ng kondisyon ng snow, kung saan marami ring atleta ang hindi nakatapos.
Sa kabila nito, pinuri ng Philippine Olympic Committee at Philippine Sports Commission ang dalawang atleta sa kanilang pagre-representa sa bansa.
Patuloy ang paglahok ng Pilipinas sa Winter Olympics sa kabila ng pagiging bansang tropikal na walang natural na niyebe.







