--Ads--

Opisyal nang kinumpirma nitong Lunes ang pagho-host ng Pilipinas sa 7th Asian Beach Games na gaganapin sa Cebu sa taong 2028.

Pinirmahan ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino ang kontrata sa Conifer Resort, Sanya, China, kasama si OCA President Sheikh Joaan bin Hamad Al Thani.

Ayon kay Tolentino, matagal na mula nang huling mag-host ang bansa ng malaking Asian sports event.

Sa kasalukuyan, nasa ikatlong puwesto ang Pilipinas sa medal standings

--Ads--

Nangunguna pa rin ang China , kasunod ang Thailand.

Bukod sa Asian Beach Games, host din ang Pilipinas ng Southeast Asian Plus Youth Games sa Disyembre 2027. Tatlong buwan pagkatapos nito, ay ang Cebu ABG sa Marso 2028.

Ayon kay Tolentino, bahagi ito ng sports tourism program ng pamahalaan. Naka-iskedyul na ring ilunsad ang opisyal na logo at mascots sa Hunyo.

Inaasahan ang paglahok ng mga bansa mula sa Southeast Asia at Central Asia gaya ng Bahrain, Qatar, at Saudi Arabia, bukod pa sa Chinese Taipei at Macau.