Nasungkit ni Sasiwararin Atsawahirankarn ng Thailand ang korona ng Miss Asia Pacific International 2026 matapos talunin ang 37 kandidata mula sa iba’t ibang bansa sa coronation night sa Lapu-Lapu City, Cebu.
First runner-up si Gia Angelique Franceschi ng Costa Rica, habang second runner-up si Nompumelelo Malindi ng South Africa. Pumuwesto naman bilang third runner-up ang pambato ng Pilipinas na si Gabrielle Galapia, habang fourth runner-up si Itzel Idolina Silva Borbon ng Mexico.
Bago ang coronation night, nakuha ni Galapia ang Best in Swimsuit at Best in Evening Gown awards. Siya rin ang nakakuha ng pinakamaraming boto para sa Darling of the Press.Ito ang ikalawang sunod na taon na ginanap sa Cebu ang Miss Asia Pacific International, na ipinagdiriwang ang ika-58 anibersaryo nito ngayong taon.











