--Ads--

Nakuha ni Max Verstappen ng Red Bull ang pole position para sa Singapore Grand Prix matapos manguna sa qualifying sa Marina Bay Street Circuit, kasunod ng kanyang panalo sa sprint race.

Nagtala si Verstappen ng isang minuto at 31.373 segundo upang talunin ang Ferrari drivers na sina Charles Leclerc at Lewis Hamilton, na pumangalawa at pumangatlo. Pang-apat naman si championship leader Kimi Antonelli, habang panglima si Lando Norris.

Pang-anim si George Russell ngunit mapaparusahan ng pagsisimula sa hulihan ng grid dahil sa paggamit ng sobrang bagong piyesa.

Target ni Verstappen na makuha ang una niyang panalo sa Singapore Grand Prix, habang hiniling niya sa Red Bull na ayusin ang mabagal na pag-arangkada ng kanilang sasakyan bago ang karera.

--Ads--