--Ads--

Ipinag-utos ni Department of Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. Na imbestigahan ang umano’y iregularidad sa procurement at pamamahagi ng farm inputs at makinarya matapos makatanggap ng reklamo mula sa ilang grupo ng mga magsasaka.

“Iniimbitahan namin ang grupo ng mga magsasaka at iba pang organisasyon na tumulong sa pagtukoy ng katiwalian sa ating hanay,” ani ng kalihim.

Ayon kay Tiu Laurel, lalampas sa karaniwang inspeksyon ang isasagawang bagong imbestigasyon, na unang isinagawa nitong nakaraang taon at walang natuklasang anomalya, bilang bahagi ng pagsisikap na masiguro ang tamang paggamit ng pondo ng bayan at matukoy ang anumang pagkakamali.

Binigyang-diin din niya na nakapagsagawa na ang DA ng katulad na imbestigasyon noong nakaraang taon, na nagresulta sa pagpataw ng mga kaukulang parusa.

--Ads--