--Ads--

Sinabi ni Senador Francis Pangilinan ngayong Biyernes na ang nakatakdang pagpupulong nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at dating bise presidente at kasalukuyang Naga City Mayor Leni Robredo ay napagkasunduan na bago pa inanunsyo ni Vice President Sara Duterte ang kanyang planong tumakbo bilang pangulo sa 2028.

Ayon kay Pangilinan, ang pagbisita ni Marcos sa Naga City sa Sabado, Pebrero 21, ay matagal nang naiplano at walang kaugnayan sa nalalapit na halalan.

Ipinaliwanag niya na base sa kanilang nakaraang pagpupulong ni Executive Secretary Ralph Recto dalawang linggo ang nakalipas, ang plano ay finalized na bago pa ang anunsyo ni Duterte, kaya’t hindi ito konektado sa mga kandidato sa 2028.

Naunang sinabi ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro na magpupulong sina Marcos at Robredo upang talakayin ang implementasyon ng Oplan Kontra Baha sa Naga City, Camarines Sur. Wala pa ring impormasyon kung tatalakayin din nila ang mga planong pampulitika.

--Ads--

Inanunsyo ang pagpupulong isang araw matapos pormal na ideklara ni Duterte ang kanyang planong tumakbo bilang pangulo sa 2028 national elections.