--Ads--

Binanggit ng ICC prosecution ang kaso ng 17-anyos na si Kian Delos Santos, na pinatay noong Agosto 16, 2017 sa Caloocan, bilang halimbawa ng umano’y malawakang karahasan sa ilalim ng “Project Tokhang” ng dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay trial lawyer Edward Jeremy, sinusunod sa mga operasyon ang parehong modus: pinipili ang target, pinapatay, nilalagyan ng armas o droga ang crime scene, at peke ang police report para itanghal na self-defense. Sa kaso ni Delos Santos, ipinakita ng CCTV na hinila ang kanyang patay na katawan at tinutukan sa ulo matapos humingi ng buhay.

Ipinakita rin ng prosecution ang iba pang halimbawa ng Project Tokhang, kabilang ang “one-time big-time” operation sa Bulacan na nagresulta sa 32 patay at 107 arestado, at pag-target sa mga menor de edad. Tinukoy din ang pagpatay sa yumaong Rolando Espinosa bilang high-value target na “neutralized.”