--Ads--

Nakatakdang sumailalim sa operasyon si Pope Leo XIV sa mga susunod na araw upang alisin ang maliit na bukol o nodule na natuklasan sa kaniyang baga matapos ang isinagawang medical examination.

Sa kaniyang pahayag na ibinahagi sa social media, sinabi ng Santo Papa na natukoy ang nodule sa maagang yugto at malinaw na nakahiwalay ang lokasyon nito.

Batay sa ulat ng Vatican News, ipinayo ng mga doktor na sumailalim siya sa operasyon upang alisin ang nodule. Inaasahang isasagawa ang procedure sa unang bahagi ng linggong ito.

Samantala, ayon sa Vatican, inaasahang aabot sa isang linggo ang kaniyang paggaling sa ospital matapos ang operasyon.

--Ads--

Nagpasalamat naman si Pope Leo sa mga taong nagpapakita ng suporta at hiniling ang kanilang mga panalangin habang naghahanda siya sa operasyon.