--Ads--

Dalawa sa tinaguriang “maleta boys” ang inaasahang haharap bilang mga testigo laban kay dating House Speaker Martin Romualdez sa Sandiganbayan Third Division.

Ayon sa kanilang abogado na si Levito Baligod, inaasahang magbibigay ng testimonya sina George Villalon Jr. at Johnny Buduan sa pagdinig kaugnay ng petisyon ni Romualdez para makapagpiyansa ngayong araw.

Hindi pa naman inilalahad sa ulat ang iba pang detalye ng kanilang inaasahang testimonya laban sa dating House Speaker.