Mas pinapalakas at aktibong ipinapatupad ng City Health Office (CHO) sa Santiago City ang kanilang public health measures upang masiguro ang kaligtasan at kalusugan ng mga residente sa Lungsod.
Ayon kay Nurse May Celeste Andres, Sanitation Inspector II ng ahensya, bahagi aniya ng kampanya ang aktibong inspeksyon sa mga bahay at komunidad at pagbibigay ng impormasyon sa mga residente tungkol sa tamang pag-aalaga ng kalusugan at preventive measures.
Regular na umiikot ang mga midwife at nurse upang magsagawa ng inspeksyon at kumuha ng sample kung kinakailangan, at nagpapaalala sa publiko sa mga simpleng hakbang upang mapanatiling ligtas ang kanilang kapaligiran.
Binibigyang-diin din ni Nurse May ang kahalagahan ng self-protection measures, tulad ng pagsusuot ng mahahabang manggas, pantalon, at medyas, lalo na ng mga estudyante.
Kasabay nito, patuloy ang paalala sa publiko hinggil sa Seek Early Consultation, dahil may mga sintomas na maaaring magpahiwatig ng anumang karamdaman at dapat agad ipatingin sa doktor upang maiwasan ang komplikasyon.
Isinusulong din ng ahensya ang Say No to Indiscriminate Fogging, na ayon kay Andres ay hindi epektibong solusyon kung walang kumpirmadong kaso.
Mas nakakatulong aniya ang regular na paglilinis at maayos na pangangalaga ng kapaligiran.
Binigyang-diin ng CHO ang importansya ng kooperasyon ng bawat sambahayan sa pagpapatupad ng mga health measures.
Patuloy ang monitoring at information drive sa mga barangay upang matiyak na maayos na naipatutupad ang mga hakbang para sa kalusugan ng buong komunidad.
Home Local News
Public health measures aktibong naipapatupad ng Santiago City Health Office
--Ads--











