--Ads--
Ibinahagi ni Anne Curtis ang kanyang nasaksihan habang nakasakay sa eroplanong patungo sana sa Dubai mula Milan, Italy nitong Linggo, Marso 1.
Sa isang Instagram Story, sinabi ni Anne na napansin niya ang isang high speed jet na lumilipad sa tabi ng kanilang eroplano.
Ilang sandali lang, inabisuhan umano sila na babalik ang flight sa Milan dahil sa airstrikes sa Middle East.
Maraming flight patungo at mula sa Middle East ang kinansela ng iba’t ibang airline, kabilang ang sa Dubai at Abu Dhabi, kasunod ng inilunsad na pag-atake ng Estados Unidos at Israel sa Iran at ang mga atake pabalik ng Iran.
--Ads--










