--Ads--

Patuloy na bineberipika ngayon ang mga ulat na nasawi sa isa na namang airstrike ang kade-deklara pa lamang na interim Supreme Leader ng Iran na si Ayatollah Alireza Arafi, ilang minuto lamang matapos ang pormal nitong pagkakatalaga sa pwesto.

Batay sa ulat ng state media bago ang sinasabing panibagong pag-atake, makakasama sana ni Arafi sina Pangulong Masoud Pezeshkian at Chief Justice Gholamhossein Mohseni Ejei upang pansamantalang gampanan ang mga tungkulin ng Supreme Leader habang hindi pa nakapipili ng permanenteng kahalili ang Assembly of Experts.

Kaugnay ng pagkamatay ni Khamenei, nagdeklara ang Iran ng 40-araw na pambansang pagluluksa. Magkakahalo naman ang reaksyon sa Tehran; marami ang nagluksa at sumigaw ng protesta laban sa Amerika at Israel, habang may naiulat ding palihim na pagdiriwang mula sa ilang residente.

Bago pa man ang kumpirmasyon hinggil sa sinasabing pagkasawi ni Arafi, mariing kinondena ni Pangulong Pezeshkian ang pagpatay sa kanilang yumaong Supreme Leader at tinawag itong isang “declaration of war against Muslims.”

Sa ngayon, inaabangan pa ang opisyal na pahayag mula sa pamahalaan ng Iran at state media hinggil sa tunay na kalagayan ni Ayatollah Arafi matapos ang naiulat na airstrike.

--Ads--