--Ads--

Nasawi ang isang guro matapos maaksidente habang lulan ng motorsiklo sa bahagi ng Daramuangan Norte, San Mateo, Isabela nitong Biyernes.

Sangkot sa aksidente ang isang Suzuki Carry, isang Foward Truck na kargado ng Tubo at isang motorsiklo sakay ang biktima at kaniyang asawa na residente ng Cabatuan, Isabela.

Ayon sa San Mateo Municipal Police Station, bago pa man ang aksidente ay paliko umano ang Truck sa kaliwang bahagi ng kalsada na patungong Alicia, Isabela kaya pinagbigyan ito ng motorsiklo subalit bigla na lamang bumangga sa motorsiklo ang sumusunod na Suzuki Carry.

Sa lakas ng impact ay tumilapon ang mga sakay ng motorsiklo na agad dinala sa pagamutan subalit binawian ng buhay ang babaeng sakay ng motorsiklo habang sugatan naman ang kaniyang mister.

--Ads--

Sa ngayon ay inaalam pa ng San Mateo Municipal Police Station ang deisyon ng pamilyang biktima bagamat inihahanda na rin ang kasong Reckless Imprudence Resulting Homicide, Serious Physical Injury and Damage to property laban sa mga driver na sangkot sa aksidente.