--Ads--

Magkasunod na namatay ang dalawang motorcycle rider sa magkahiwalay na road incidents sa Bambang at Bagabag, Nueva Vizcaya nitong Linggo, Setyembre 20.

Unang naganap ang aksidente sa Barangay Almaguer North, Bambang bandang alas-12:20 ng madaling araw, matapos mabangga ng isang pampasaherong bus ang motorsiklo ng isang 20-anyos na lalaki.

Ayon sa PNP Bambang, nag-overtake umano ang bus sa isa pang sasakyan nang mabangga nito ang motorsiklo. Naitulak ang rider nang halos 15 metro mula sa point of impact na nagdulot ng matinding sugat at kanyang pagkamatay.

Samantala, bandang alas-1:35 ng madaling araw, nasawi rin ang isang pribadong kawani matapos bumangga ang kanyang motorsiklo sa isang nakaparadang trailer truck sa Barangay Tuao North, Bagabag.

--Ads--

Ayon sa pulisya, walang early warning device o hazard light ang truck nang mangyari ang insidente.

Dead on the spot ang rider na residente ng Quezon, Isabela.

Napag-alaman na nagkasundo ang pamilya ng biktima at driver ng truck na ayusin na lamang ang insidente sa pamamagitan ng amicable settlement.