--Ads--

Nasa 44 overseas Filipino workers (OFWs) mula sa Israel at Dubai, United Arab Emirates (UAE) ang dumating sa Ninoy Aquino International Airport nitong Miyerkules, Marso 11  kasunod ng patuloy na kaguluhan sa Middle East.

Ayon sa social media post ng Department of Migrant Workers, 16 OFWs ang dumating mula sa Israel matapos tumawid sa Taba Border sa Egypt. Mula roon, sila ay sumakay ng eroplano papuntang Oman bago tuluyang bumiyahe patungong Pilipinas. Dumating sila sa NAIA Terminal 1 bandang alas-9 ng gabi.

Samantala, 25 OFWs at isang dependent ang dumating sa NAIA Terminal 3.

Ang lahat ng dumating na OFWs ay sinalubong ng DMW at iba pang ahensya bilang bahagi ng post-arrival assistance ng pamahalaan. Makakatanggap sila ng pinansiyal at medikal na tulong, psychosocial counseling, pagkain, pati na rin tulong sa tirahan at transportasyon.

--Ads--

Bukod sa 44 na dumating ngayong Miyerkules, may naunang 63 Filipino repatriates mula Oman at Qatar na dumating rin, at 90 OFWs mula sa UAE ang nakauwi naman noong Lunes.