Isinagawa ng City Cooperative Development Office ng Santiago City ang dalawang araw na mandatory training para sa mga small at medium cooperatives upang higit na mapalakas ang kaalaman ng mga miyembro hinggil sa tamang pamamahala at prinsipyo ng kooperatiba.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay City Cooperative Development Officer Rodelio Diego, bahagi ng pagsasanay ang seminar sa Fundamentals of Cooperatives na layong palawakin ang kaalaman ng mga miyembro ng kooperatiba sa lungsod.
Ipinaliwanag ni Diego na kabilang sa mga tinalakay sa seminar ang mga pangunahing konsepto ng kooperatiba tulad ng nature of cooperatives, kung paano ito nabuo, at ang mahahalagang katangian ng isang organisasyong kooperatiba.
Dagdag pa niya na mahalaga ang naturang seminar upang maunawaan ng mga kalahok ang tunay na layunin at estruktura ng kooperatiba bilang organisasyong tumutulong sa pagpapaunlad ng kabuhayan ng mga mamamayan.
Isinasagawa ang pagsasanay bilang bahagi ng KAISA KA sa Kooperatiba Program ng pamahalaang lungsod sa ilalim ng pamumuno ng alkalde, na naglalayong palakasin ang kakayahan at operasyon ng mga kooperatiba sa Santiago City.
Sa pamamagitan ng naturang capability building seminar, inaasahang mas mapapahusay ang pamamahala at serbisyo ng mga kooperatiba sa kanilang mga miyembro at komunidad.
Home Local News
2-days mandatory training, isinagawa ng Santiago City Cooperative Development Office
--Ads--





