--Ads--

Nagbabala si Senate President Pro Tempore Panfilo Lacson na ang mga panukalang pansamantalang suspindihin ang value-added tax (VAT) sa mga produktong petrolyo ay maaaring magdulot ng higit P320 bilyon na pagkawala sa kita ng gobyerno, kaya hinimok niya ang mga mambabatas na pag-aralan muna ang epekto nito sa ekonomiya.

Sinabi ni Lacson nitong Linggo na bagama’t mukhang makabubuti sa mga mamimili ang pansamantalang pagtanggal ng VAT, maaari itong magpahina sa katatagan ng ekonomiya kung ipapatupad nang hindi maingat.

Aniya sa isang panayam, “Hindi ganoon kasimple. Tinitingnan natin suspend-suspend para masiyahan ang kababayan pero ang epekto sa GDP natin matindi. Tayo rin in the long or medium term tayo din ang matatamaan.”

Ayon kay Lacson, kahit ang simpleng suspensiyon sa excise tax sa gasolina at diesel ay magdudulot na ng halos P200 bilyon na pagkawala sa kita, at kapag isinama ang VAT suspension, aabot na sa higit P320 bilyon ang kabuuang posibleng pagkawala.

--Ads--

Binanggit din niya na ang pagbaba ng kita ng gobyerno ay maaaring makaapekto sa pondo para sa mga pampublikong serbisyo at programa, lalo na ngayong humaharap ang bansa sa pandaigdigang kawalang-katiyakan sa suplay dahil sa tumitinding tensyon sa Gitnang Silangan.

Sa ilalim ng batas na nilagdaan ni **Pangulo Ferdinand Marcos Jr.** noong Marso 25, binigyan ang pangulo ng kapangyarihang ipatupad ang pansamantalang pagbawas o suspensiyon ng excise tax sa mga produktong petrolyo.