Isinauli ni Felicito Guevarra, presidente ng Samchan Foreign Exchange Corporation, ang ₱343 milyon na umano’y kinita mula sa mga transaksyong may kaugnayan kay dating House Speaker Martin Romualdez.
Ayon sa prosekusyon, magbibigay ng testimonya si Guevarra na si Jocelyn Serenio, dating aide umano ni Romualdez, ang naghatid sa kaniya ng mga maleta na naglalaman ng pera at nagpakilalang staff ng dating House Speaker.
Nauna nang hiniling ng prosekusyon sa Sandiganbayan Third Division na alisin si Guevarra bilang kapwa akusado sa kasong plunder kaugnay ng umano’y ₱7.4-bilyong kickback scheme sa mga proyekto ng pamahalaan.
Binigyan naman siya ng conditional immunity kapalit ng buong pakikipagtulungan sa imbestigasyon at pagsisiwalat ng lahat ng impormasyong may kaugnayan sa kaso.











