--Ads--

Umaasa ang CAVRAA swimming team na makapagpadala ng mas maraming atleta para sa Palarong Pambansa pagkatapos ng CAVRAA Meet 2026.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Swimming Tournament Director Virgil Reyes, sinabi niya na sa nagdaang Palarong Pambansa, mahigit sampung manlalaro ang kanilang naipadala para maglaro.

Nasa mahigit sampung manlalaro na ang nakasungkit ng gintong medalya sa mga nagdaang laban, ngunit hindi umabot sa itinakdang qualifying time ang kanilang mga oras kaya’t hindi pa sila opisyal na makakasama sa national meet.

Simula pa kahapon ay wala pa ring naitatalang mga atleta ang swimming director at ang mga opisyal ng swimming event na nakapag-qualify para sa Palarong Pambansa.

--Ads--

Umaasa naman sila na sa mga susunod na araw ay may mga manlalaro nang makakapagtala ng qualifying time upang makapasok sa pambansang kompetisyon.

Ayon pa kay Ginoong Reyes, inaasahan nilang magiging mas competitive pa ang mga susunod na laban habang patuloy na hinahabol ng mga atleta ang qualifying standard.