--Ads--

Aminado si Senator Robin Padilla na kanilang pinayuhan ni Sen. Bong Go si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa na pansamantalang umiwas sa pagharap sa publiko.

Sa isang panayam, ibinahagi ni Padilla na sila mismo ang nagmungkahi kay Dela Rosa na huwag munang magpakita, dahilan kung bakit hindi ito dumalo sa inilunsad na RAGE Coalition.

Sa kabila nito, tiniyak ni Padilla na patuloy ang suporta nila sa inisyatibo ni Sebastian “Baste” Duterte na Reform Alliance for Good Governance and Accountability (RAGE), na layong palakasin ang kampanya laban sa katiwalian.

Dagdag pa ng senador, bagama’t hindi personal na nakadalo, nakapagpahayag pa rin umano ng kanyang paninindigan si Dela Rosa hinggil sa nasabing koalisyon.

--Ads--

Ang RAGE Coalition ay inilunsad bilang hakbang upang pagtibayin ang adbokasiya para sa mabuting pamamahala at pananagutan sa pamahalaan.