--Ads--

Nanindigan si Senator Robin Padilla na dapat ding makinabang si Vice President Sara Duterte sa immunity from suit o proteksiyon laban sa pagsasampa ng kaso habang nasa kanyang posisyon, kasunod ng grave threats case na inihain laban sa bise presidente.

Sa plenary session ng Senado nitong Lunes, Setyembre 7, sinabi ni Padilla na kung umiiral ang naturang prinsipyo para sa Pangulo, dapat din itong mailapat sa bise presidente.

Hiniling din ni Padilla sa Senado na linawin ang posisyon nito kung maaari bang sampahan ng kasong kriminal ang isang bise presidente, na isang impeachable officer, habang nasa katungkulan pa.

Ayon kay Padilla, mahalagang magkaroon ng malinaw na interpretasyon hinggil sa immunity mula sa pagsasampa ng kaso sa mga impeachable officer.

--Ads--

Samantala, wala namang ibang senador na nagpahayag ng posisyon kaugnay sa hinaing ni Padilla sa naturang sesyon.