--Ads--

Labis ang pagkadismaya ni Senate Sports Committee Chairman Bong Go sa 105-61 pagkatalo ng Gilas Pilipinas kontra China sa men’s basketball event ng 20th Asian Games sa Japan.

Kinuwestiyon ni Go ang komposisyon ng koponan, partikular ang kawalan ng ilang pangunahing manlalaro at naturalized player, kabilang si Bennie Boatwright.

Ayon sa senador, maaaring nakaapekto sa performance ng Gilas ang kakulangan sa koordinasyon at maikling panahon ng paghahanda, dahilan upang hindi nito maipagtanggol ang 2023 Asian Games title.

Hiniling din ni Go sa Samahang Basketbol ng Pilipinas o SBP na bumuo ng mas malaking pool ng mga manlalaro na regular na sasanayin para sa mga international competition.

--Ads--