--Ads--

Nilinaw ni Naga City Mayor at dating Bise Presidente Leni Robredo na wala siyang planong tumakbo sa anumang mataas na posisyon sa national 2028 elections.

Ayon sa alkalde, marami pa siyang mga trabahong nais tapusin sa Lungsod ng Naga kaya’t nakatuon ang kanyang atensyon sa kasalukuyang pamamahala nito.

Giit pa niya, hindi siya maghahain ng kandidatura para sa anumang national position sa susunod na halalan.

Aminado rin si Mayor Robredo na maikli lamang ang tatlong taon na termino sa lokal na pamahalaan, kaya’t nais niyang mas tutukan ang mga programang panglungsod at mga pangangailangan ng kanyang mga mamamayan.

--Ads--

Dagdag pa niya, marami umanong humihikayat sa kanya na muling tumakbo sa mas mataas na posisyon, ngunit nananatiling nakapokus siya sa kasalukuyang responsibilidad bilang alkalde ng Naga.