Isang alagang kuneho ng mag-asawang British ang kinilalang pinakamatandang nabubuhay na kuneho sa mundo matapos umabot sa edad na 15 taon at 82 araw, ayon sa Guinness World Records.
Ang kunehong si Herbie, na pag-aari nina Richard Dunham at Melissa Dunham mula sa Surrey, ay opisyal na napatunayang may ganitong edad noong Nobyembre 10, 2025.
Kamakailan lamang ay kinumpirma ng Guinness ang kanyang rekord bilang pinakamatandang kuneho sa buong mundo.
Ayon sa mag-asawa, inampon nila si Herbie noong walong linggo pa lamang ito upang maging kasama ng kanilang babaeng kuneho na si Flopsy.
Dagdag pa niya, higit pa sa karaniwang haba ng buhay ng kuneho ang narating ni Herbie, at kilala ito sa kanyang kakaibang personalidad.
Sa kasalukuyan, mas simple na ang mga kinahihiligan ni Herbie—ang makipagkulitan at yumakap sa kanyang mga amo sa sofa, at magbabad sa sikat ng araw sa kanilang hardin.











