--Ads--
Nagpalabas ng kautusan ang Korte Suprema na nag-uutos sa Malacañang na magsumite ng komento kaugnay sa petisyon para sa mandamus na inihain ni dating House Speaker Pantaleon Alvarez.
Ang petisyon ay humihiling na obligahin si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na sumailalim sa pisikal at mental na pagsusuri, kabilang ang hair follicle drug test.
Hinihiling din ng petisyon na ilabas sa publiko ang resulta ng naturang pagsusuri, kasama ang isang medical report na magpapatunay sa kanyang pisikal at mental na kakayahan upang gampanan ang tungkulin bilang Pangulo.
Binigyan ng Korte Suprema ang mga respondent ng 10 araw, na hindi na maaaring palawigin, mula sa pagtanggap ng abiso upang magsumite ng kanilang komento sa petisyon.
--Ads--










