--Ads--

Nilinaw ng Department of Budget and Management (DBM) na wala na silang inilalabas na pondo para sa unprogrammed appropriations sa 2024 at 2025 national budget na idineklara ng Korte Suprema na labag sa Konstitusyon.

Sa budget hearing ng Senado, sinabi ni Budget Secretary Kim Robert de Leon na hindi pa nagagalaw ang ₱17.99 bilyong special road fund ng Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa 2025 na saklaw ng desisyon ng Korte Suprema.

Hindi rin muna gagalawin ang mga special provision sa 2026 national budget na may kaugnayan sa unprogrammed appropriations.

Wala na ring ilalabas na pondo mula sa 2024 national budget dahil nag-expire na ang bisa nito noong Disyembre 31, 2025.

--Ads--

Tinanong din ng mga senador si De Leon kung paano ipatutupad ang desisyon ng Korte Suprema sa panukalang pambansang budget para sa 2027.

Samantala, hihingi ng paglilinaw ang DBM sa Korte Suprema sa pamamagitan ng Office of the Solicitor General kaugnay ng mga isyu sa pagpapatupad ng desisyon, kabilang ang mga pondong hindi pa naipapalabas.