Maaaring magsimula ang paglilitis sa ICC laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa pagitan ng Oktubre 2026 at Pebrero 2027, ayon kay ICC Assistant to Counsel Kristina Conti.
Aabutin pa ng walong buwan hanggang isang taon ang paghahanda bago ang mga pagdinig, na inaasahang magiging tuloy-tuloy kapag nagsimula na.
Hinaharap ni Duterte ang kasong crimes against humanity, kabilang ang murder at attempted murder kaugnay ng war on drugs.
Sa ilalim ng Rome Statute, kailangang dumalo ang akusado sa paglilitis, bagama’t maaari ang virtual na partisipasyon. Hindi rin maaaring hadlangan ang proseso sa simpleng hindi pagdalo.
Sa unang araw, babasahin ang mga sakdal at ilalatag ang mga alituntunin bago iharap ng prosecution at defense ang kanilang ebidensya.
Karaniwang tumatagal ang buong paglilitis ng tatlo hanggang sampung taon, ayon sa mga naunang kaso ng ICC.









