--Ads--
Inanunsyo ni US President Donald Trump ang “Project Freedom,” isang operasyon na layong tulungan ang mga barkong na-stranded sa Strait of Hormuz simula Lunes.
Ayon kay Trump, isasagawa ang hakbang para matiyak ang ligtas na paglalayag ng mga barko sa gitna ng umiigting na tensyon sa rehiyon.
Susuportahan din ng US Central Command ang pagdaan ng mga merchant vessel sa mahalagang rutang pandagat.
Tinutulan naman ng Iran ang plano at nagbabala na ituturing itong paglabag sa ceasefire at posibleng magpalala ng tensyon sa lugar.
--Ads--











