--Ads--

‎Patuloy ang pamamahagi ng binhi at foliar fertilizer ng City Agriculture Office para sa mga magsasaka sa Santiago City bilang paghahanda sa wet season cropping.

‎Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Engr. Dominador Fernandez Jr. City Agriculturist at head ng City Agriculture Office, sinabi nito na nagpapatuloy ang distribusyon upang matiyak na makapagtatanim ang mga magsasaka sa tamang panahon.

‎Ayon kay Engr. Fernandez, hindi pa huli ang pamamahagi dahil maaari pa umanong maitanim ngayong wet season ang mga natanggap na binhi.

‎Dagdag pa nito, tatlong araw na lamang ang nalalabi para sa distribusyon.

--Ads--