--Ads--
Isang lalaki mula sa Illinois, USA ang nakapagtala ng bagong rekord sa Guinness World Records matapos bilangin ang kanyang koleksyon ng Bearbricks toys na umabot sa 3,482 piraso.
Si Daniel Park, na kilala bilang BrickChicago sa social media, ay opisyal na nakatalog ang kanyang koleksyon noong Marso at kinumpirma ng Guinness bilang pinakamalaking koleksyon ng Bearbrick bears sa buong mundo.
Nagsimula si Park sa pangongolekta matapos makakuha ng isang blind box limang taon na ang nakalipas.
Ayon kay Park, ang “brilliance ng standard platform” ng Bearbricks ang patuloy na nagbibigay sa kanya ng motibasyon.
--Ads--











