--Ads--

Kinilala ng Guinness World Records ang isang 16-anyos na donkey sa Pennsylvania, United States bilang may pinakamahabang taynga sa mga nabubuhay na donkey sa mundo.

Si Hank, isang Mammoth Jackstock donkey, ay may tayngang may habang 43.50 sentimetro, na mas mahaba ng 3.3 sentimetro kumpara sa dating record holder.

Ayon sa tagapag-alaga nitong si Jennifer Gee, matagal nang napapansin ng mga tao ang kakaibang laki ng taynga ni Hank. Matapos itong opisyal na masukat ng isang beterinaryo, nakumpirma ang world record nito.

Limang taon nang alaga ni Jennifer si Hank, na inilarawan niyang palabiro at mahilig sumama sa hiking at iba pang aktibidad.

--Ads--