Nagpatuloy ang tensyon sa Middle East matapos magsagawa ang militar ng Israel ng airstrike sa bayan ng Khiam sa southern Lebanon, ayon sa Lebanon’s National News Agency (NNA).
Bukod sa pambobomba, iniulat din na tinarget ng mga sundalong Israeli ang lugar gamit ang heavy machine guns, na nagdulot ng matinding pinsala at takot sa mga residente sa naturang komunidad.
Ayon pa sa ulat, nagpapatuloy ang operasyon ng Israel sa mga kalapit na lugar matapos magpaputok ng machine gun bursts sa Wadi al-Hujeir valley at sa gilid ng bayan ng Ghandouriyeh ngayong umaga.
Wala pa namang kumpirmadong ulat sa bilang ng nasawi o sugatan, habang patuloy na mino-monitor ng mga awtoridad ang sitwasyon sa gitna ng lumalalang tensyon sa pagitan ng Israel at mga grupo sa southern Lebanon.










