--Ads--

Inaasahang lalakas pa ang dairy sector ng bansa kasunod ng plano ng National Dairy Authority (NDA) na palawakin ang cattle imports at palakasin ang suporta sa produksyon ng gatas.

Target ng NDA na umabot sa 53 milyong litro ang milk production pagsapit ng 2026, mas mataas ng 22.4% kumpara sa 43.2 milyong litro noong nakaraang taon.

Bahagi ng hakbang ang pag-aangkat ng humigit-kumulang 1,600 dairy cattle mula Australia upang palakihin ang national herd at mapataas ang lokal na produksyon.

Layunin ng ahensya na maabot ang 3.3% milk self-sufficiency ngayong taon at 5% pagsapit ng 2028, mula sa kasalukuyang 2.2%.

--Ads--

Kasabay nito, palalawakin din ang imprastraktura ng sektor sa pamamagitan ng pagtatayo ng karagdagang stock farms at feed centers upang suportahan ang lumalaking demand sa dairy production.