Base sa Instagram post ng concert director na si Paolo Valenciano, muntik nang hindi matuloy ang concert ng Cup of Joe sa Philippine Sports Stadium sa Bulacan kamakailan lang.
Kargado ng video, ikinuwento nitong kakanselahin na nila sana ang show nang sunod-sunod ang paglitaw ng mga kidlat sa langit.
Inulan ng todo ang buong venue at nabasa ang maraming technical equipment ng production.
Mapapanood nga sa post ang mga fans na matiyagang naghihintay sa ilalim ng ulan at hindi umaalis sa kanilang puwesto kahit ang marami ang basang-basa na.
Makikita na masaya pa ang mga ito at nagtatawanan gaya ng kuwento ni direk Paolo.
Samantala, sinasabing gumawa ng history sa music arena ang COJ, dahil sila ang kauna-unahang OPM artist, band na nagkaroon ng solo concert at pumuno ng Philippine Sports Stadium.







