--Ads--
Patay ang isang Thai footballer habang 12 iba pa, kabilang ang isang Malaysian player, ang nasugatan matapos tamaan ng kidlat ang football field sa Sungai Golok, Narathiwat Province sa southern Thailand noong Martes.
Kinilala ang nasawi na si Sofwan Awae, 24-anyos at manlalaro ng Yala FC. Nangyari ang insidente habang ginaganap ang semifinal ng Golok FA Cup football tournament sa gitna ng malakas na ulan.
Agad siyang isinugod sa ospital ngunit binawian din ng buhay dahil sa tinamong matinding pinsala. Dinala rin sa ospital ang iba pang mga nasugatan, kabilang ang Malaysian player na si Mohammad Alif Ezzahan Zulkifli, 22-anyos.
Nagpaabot naman ng pakikiramay ang Yala FC at ang Football Association of Thailand sa pamilya ng nasawing footballer.
--Ads--











