--Ads--

Opisyal na kinilala ng Guinness World Records ang isang 98-anyos na beteranong British ng World War II bilang pinakamatandang wing walker sa mundo matapos tumayo sa ibabaw ng lumilipad na eroplano sa England.

Mahigit siyam na minuto umanong nanatili si Harry Heasman sa ibabaw ng eroplano habang lumilipad ito nang higit 1,000 talampakan ang taas sa Duxford Airfield sa Cambridge nitong Sabado.

Ayon kay Heasman, matagal na niyang pangarap ang maging wing walker mula pa noong siya ay bata at hindi niya inaasahang matutupad ito sa edad na 98.

Bilang paghahanda sa naturang pagsubok, sinabi niyang sumailalim siya sa halos 11 buwang physical training upang ihanda ang kanyang katawan at isip.

--Ads--

Layunin din ng kanyang record attempt na makalikom ng pondo para sa Lennox Children’s Cancer Fund at magsilbing tribute sa kanyang asawa at anak na kapwa pumanaw dahil sa cancer.