Arestado ang isang 49-anyos na lalaki matapos ang isinagawang Anti-illegal Drug buy-bust operation ng mga Awtoridad sa Barangay Batal, Santiago City.
Ang suspek ay residente ng nasabing barangay.
Nasamsam mula sa suspek ang tinatayang 1.5 gramo ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price (SDP) na mahigit P10,000, bukod pa sa buy-bust money na ginamit sa operasyon.
Ayon sa ulat ng pulisya, isinagawa ang operasyon ng pinagsanib na pwersa ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Police Station 4, City Drug Enforcement Unit (CDEU) ng Santiago City Police Office, at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region 2.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng mga awtoridad ang suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Home Local News
49-anyos na tulak, arestado sa buy-bust; Mahigit P10K halaga ng shabu nasamsam
--Ads--











