--Ads--

Pinatawan ng disciplinary action ng House of Representatives si Quezon City 4th District Rep. Bong Suntay dahil sa kanyang naging pahayag noon tungkol sa aktres na si Anne Curtis.

Sa botong 263 pabor, 8 kontra, at 7 abstain, inaprubahan ng mga kongresista ang parusa laban kay Suntay.

Batay sa rekomendasyon ng House Committee on Ethics and Privileges na pinamumunuan ni Rep. JC Abalos, inatasan si Suntay na mag-public apology kay Curtis at sa mga kababaihan, magsagawa ng community service, at dumalo sa gender sensitivity seminar.

Ang hakbang ay kaugnay ng ethics complaint na inihain laban sa kanya matapos ang kanyang pahayag sa pagdinig ng House Committee on Justice hinggil sa impeachment complaints laban kay Vice President Sara Duterte.

--Ads--

Ayon sa Committee Report No. 299 na binasa sa plenaryo, ang naturang asal at mga kaugnay na post sa social media ni Suntay ay nakaapekto sa dignidad, integridad, at reputasyon ng Kamara bilang isang institusyon.