--Ads--

Tatlong golfers na sina Michael Furrh, Debbie Reynolds, at Terri Janak ang nakapagtala ng Guinness World Record para sa “Largest Golf Ball Pyramid” matapos makabuo ng istrukturang binubuo ng 19,019 na golf balls.

Naganap ang record-breaking attempt noong Setyembre 27, 2025 sa Benbrook Heritage Fest na idinaos sa isang driving range sa Benbrook Lake.

Ayon sa Guinness World Records, maingat na isinagawa ang pagbuo ng 38 patong na pyramid, alinsunod sa patakaran na bawal gumamit ng anumang pandikit o adhesive.

Upang mapanatili ang ayos ng mga bola, gumamit ang grupo ng custom wooden base bilang suporta sa istruktura.

--Ads--

Sa tulong ng mga volunteers, natapos ang pagtatayo sa kabila ng matinding sikat ng araw, at matagumpay na nalampasan ang dating rekord na 17,575 golf balls na naitala noong 2022.