--Ads--

Tinatayang aabot sa 26 milyon hanggang 28 milyong mag-aaral sa pampubliko at pribadong paaralan ang inaasahang papasok sa pagbubukas ng klase ngayong Lunes, Hunyo 8, ayon sa Department of Education (DepEd) nitong Linggo, Hunyo 7.

Batay sa datos ng DepEd, noong nakaraang school year ay umabot sa 25,935,863 ang kabuuang bilang ng mga nag-enroll sa buong bansa.

Ayon pa sa ahensya, nasa 47,972 pampublikong paaralan ang sabay-sabay na magbubukas para sa School Year 2026–2027.

--Ads--

Nasa 899,653 naman ang kabuuang bilang ng mga guro sa buong bansa na inaasahang tutugon sa pagbubukas ng klase ngayong taon.