--Ads--

Bumaba ng 48 % ang halaga ng mga pamumuhunang inaprubahan ng Board of Investments (BOI) sa unang kuwarter ng taon dahil sa pagbaba ng mga lokal at dayuhang investment commitments.

Ayon sa BOI, umabot lamang sa P58.2 bilyon ang inaprubahang pamumuhunan mula Enero hanggang Marso, mas mababa kaysa sa P112.52 bilyon sa parehong panahon noong nakaraang taon.

Naitala rin ang pagbaba sa dayuhang pamumuhunan sa P5.24 bilyon mula P7.29 bilyon, habang bumagsak ng 50 % ang lokal na pamumuhunan sa P52.96 bilyon mula P105.23 bilyon.

Samantala, ayon sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), tumaas naman ng 52 % ang kabuuang foreign investment pledges na inaprubahan ng iba’t ibang investment promotion agencies (IPAs), na umabot sa P42.64 bilyon sa unang kuwarter.

--Ads--

Sa kabila nito, sinabi ni Trade Secretary at BOI chair Cristina Roque na nananatiling kaakit-akit ang Pilipinas sa mga dayuhang mamumuhunan. Ayon naman kay Trade Undersecretary at BOI managing head Ceferino Rodolfo, inaasahang magpapatuloy ang pagpasok ng mga pamumuhunan dahil sa mga reporma at pagpapadali ng pagnenegosyo sa bansa.