Isang insidente ng pagnanakaw ng motorsiklo ang naiulat sa San Agustin Police Station matapos nasangkot sa aksidente sa ang hinihinalang suspek nitong Oktubre 9, 2026.
Batay sa paunang imbestigasyon, dakong ala-1:00 ng hapon nang maiulat na nawawala ang isang pula at itim na Suzuki Raider 150 motorcycle na umano’y iniwang walang nagbabantay sa harap ng isang commercial billiard hall sa Purok 6, Barangay Pangal Norte, Echague, Isabela. Ang motorsiklo ay pag-aari ng isang 51-anyos na lalaki na kinilala sa alyas na “Ben,” residente ng Barangay Pangal Sur, Echague.
Natanggap ng Echague Municipal Police Station ang ulat dakong ala-1:15 ng hapon mula kay Ginoong June Flores, Punong Barangay ng Barangay Pangal Sur. Ayon sa ulat, tinangay ng isang hindi pa nakikilalang lalaki ang motorsiklo at tumakas patungong silangan, sa direksiyon ng Jones, Isabela.
Agad na nagpakalat ng flash alarm ang duty investigator na si PCpl Aandimar T Anguluan sa mga karatig-himpilan ng pulisya upang maipabatid ang mga detalye ng nawawalang motorsiklo at mapabilis ang posibleng pagsabat sa suspek.
Makalipas ang ilang minuto, nakatanggap ang Echague Municipal Police Station ng impormasyon mula sa San Agustin Municipal Police Station na may motorsiklong tumutugma sa deskripsiyon ng ninakaw na sasakyan na nasangkot sa isang self-accident sa kahabaan ng National Highway sa Barangay Masaya Sur, San Agustin, Isabela.
Agad na nagtungo sa San Agustin Municipal Police Station si PCpl Anguluan, kasama ang nag-ulat na si Ginoong June Flores at ang may-ari ng motorsiklo. Sa isinagawang beripikasyon, positibong kinilala ni alyas “Ben” ang nasabing motorsiklo bilang ang sasakyang nawawala sa kanya.
Ang suspek, na kinilala sa alyas na “Felipe,” nasa hustong gulang at residente ng Sta. Monica, Echague, Isabela, ay naaresto at ipinaalam sa kanya ang kanyang mga karapatang konstitusyonal at mga karapatan sa ilalim ng Republic Act No. 9745 o Anti-Torture Act of 2009. Dahil sa mga tinamong pinsala matapos ang aksidente, dinala siya sa Southern Isabela Medical Center para sa medikal na atensiyon.
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya kaugnay ng insidente at ng mga kasong maaaring isampa laban sa suspek.mamamayan sa buong lalawigan ng Isabela.










