--Ads--

Pumanaw na ang South Korean singer na si Kim Yoon Seol, na nakilala bilang “Singer No. 6” sa JTBC reality program Sing Again 4. Siya ay 27 taong gulang.

Ayon sa ulat, pumanaw ang singer noong Hunyo 7, 2026, bagama’t hindi pa inilalabas ang sanhi ng kanyang pagpanaw.

Ang balita ay ibinahagi ng isang kaanak o malapit na kakilala sa pamamagitan ng social media nitong Hunyo 10, kung saan hiniling din ang panalangin at pagsama sa kanyang huling paglalakbay.

Nakilala si Kim Yoon Seol matapos manalo sa Mnet singing competition na The Voice Kids noong 2013. Nagpatuloy siya sa kanyang karera sa pag-awit sa pamamagitan ng mga programang tulad ng The Voice of Korea Season 3, at I Can See Your Voice 7.

--Ads--

Kamakailan, lumahok din siya sa Sing Again 4, kung saan nakatunggali niya ang Filipino singer na si Gwyneth “Gwyn” Dorado.