--Ads--

Naaresto ng pinagsanib na pwersa ng kapulisan ang Regional No. 2 Top Most Wanted Person na nahaharap sa 15 bilang ng kasong Qualified Rape of a Minor sa isinagawang operasyon sa Calamba City, Laguna.

Ang suspek ay 36-anyos, construction worker at residente ng City of Ilagan, Isabela.

Pinangunahan ng Alicia Municipal Police Station ang operasyon katuwang ang mga operatiba ng Isabela Provincial Intelligence Unit, Regional Intelligence Division 2, at Regional Intelligence Unit 2.

Ayon sa pulisya, inaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inilabas noong Disyembre 19, 2025 ng Regional Trial Court Branch 18 sa Ilagan City, Isabela kaugnay ng 15 bilang ng kasong Qualified Rape of a Minor.

--Ads--

Matapos ang pagkakaaresto, ipinaalam sa suspek ang kanyang mga karapatan alinsunod sa Miranda Doctrine bago dinala sa kustodiya ng Alicia Municipal Police Station para sa dokumentasyon at kaukulang proseso.

Patuloy namang pinaigting ng Philippine National Police ang kampanya laban sa mga wanted person upang matiyak na maihaharap sa hustisya ang mga nagtatago sa batas.