--Ads--

Umabot na sa 782 ang kumpirmadong kaso ng Ebola sa Democratic Republic of Congo, habang 181 na ang nasawi, ayon sa Ministry of Health.

Ayon sa ulat, maaaring mas mataas pa ang aktwal na bilang dahil huli nang nakumpirma ang outbreak noong Mayo 15 at mababa ang contact tracing coverage na nasa 56%.

Ang outbreak ay dulot ng rare Bundibugyo virus na wala pang bakuna o gamot, at karamihan ng kaso ay nasa Ituri province, na umabot sa mahigit 90% ng infections, habang may naitala rin sa North Kivu, South Kivu, at Uganda.

Nasa 56 ang gumaling, habang 23% ang fatality rate. Nahihirapan ang pagresponde dahil sa kaguluhan, paglikas ng mga residente, at limitadong access sa mga apektadong lugar.

--Ads--