--Ads--

Patuloy na mino-monitor ng mga awtoridad ang pagdami ng mga naitatalang paglabag sa batas-trapiko sa ikalawang linggo ng pagbubukas ng klase.

Dahil dito, mas pinaigting ng Public Order and Safety Division (POSD) ang koordinasyon nito sa Schools Division Office (SDO) upang matiyak ang kaligtasan ng mga mag-aaral, magulang at mga motorista.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay POSD Chief Pillarito Mallillin, sinabi nito na magsasagawa sila ng information drive katuwang ang SDO upang mapalawak ang kaalaman ng mga mag-aaral, magulang at mga motorista hinggil sa umiiral na batas-trapiko at kahalagahan ng pagsunod sa mga ito.

Ayon sa kanya, layunin ng naturang hakbang na maiwasan ang mga aksidente sa kalsada at mabawasan ang bilang ng mga lumalabag, lalo na ngayong muling naging abala ang mga lansangan kasabay ng pagbubukas ng klase.

--Ads--

Dagdag pa ni Mallillin, patuloy rin ang kanilang monitoring at pagpapatupad ng mga batas-trapiko at iba pang ordinansa upang mapanatili ang kaayusan at kaligtasan ng publiko.