--Ads--
Posibleng umabot sa 100 bilyong dolyar ang exports ng Pilipinas ngayong taon, bunsod ng paglakas ng demand sa electronics at suporta ng sektor ng mineral, ayon sa Philexport.
Ayon kay Philexport President Sergio Ortiz-Luis Jr., maaari itong maging pinakamataas na antas mula nang simulan ang pagtatala noong 1991.
Noong Enero hanggang Agosto, umabot sa 64.04 bilyong dolyar ang exports, mas mataas ng 15 porsiyento kumpara sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
Tiniyak naman ng Department of Trade and Industry ang patuloy na suporta sa mga lokal na negosyong nais makapasok sa pandaigdigang pamilihan.
--Ads--











